|
EdbE: doing a Guyana in Cabiao! Anong balita?
|
|
Mon, 03 Mar 2008
|
62. PAGBABAGONG ANYO at PUSO ( w/ new albums)
PAUWI NA. Matagal din bago nakakuha ng
inspirasyon para magsulat. Naging abala din sa
pagdalaw at pamamaalam sa mga pamayanan sa
kailugan. Puno ang aking puso ng galak at
pagmamahal sa lahat ng mga handog ng pagkilala,
pasasalamat, at papuri. Tatlong taon din ang
paglilingkod na ito na maraming kapalit. Yan ang
totoo. Sa aking tantiya, mas marami akong nakuha
kaysa sa naibigay. Uuwi akong mayaman sa
karanasan at pagkilala sa sarili, simbahan at
Diyos./////
KUWARESMA. Talikdan ang sala, at sa ebanghelyo
sumampalataya. Nabatid ko sa pagbabasa na ang
Kuwaresma ay halaw sa salita na ang ibig sabihin
ay SPRING. Ito ang panahon ng bagong buhay mula
sa panahon ng kamatayan dahil sa niyebe (snow).
Ito ang paanyaya ng Kuwaresma, magkaroon ng
bagong buhay. At dalawa ang yugto ng paanyaya,
PAGBITAW at PAGKAPIT. Bumitaw sa anumang hadlang
sa Kalooban ng Diyos at kumapit sa Kanyang
Kalooban. Ito ang magbibigay ng bagong buhay./////
TRANSFIGURE. Kung susuriing maigi, hindi naman
talaga si Hesus ang nagbago sa Bundok ng Tabor.
Ang paningin o pananaw ng mga alagad ang nabago.
Si Hesus ang Alpha at Omega, Diyos noon, ngayon
at magpasa walang hanggan. Nabago din ang
kanilang puso kasi nga ay nakita nila ang totoo.
Ito ang aral ng misyon sa akin. Sa katunayan ang
pagkapari, simbahan at Diyos ay ganito na noon pa
subalit kinailangan ng misyon para mabuksan ang
aking mga mata at mabago ang aking pananaw,
kasama na ang puso. Ang misyon ang Bundok ng
Tabor. ////
Marami sa atin ay nakaranas na ng ganito. Ang iba
ay sa Marriage Encounter, Life in the Spirit
Seminar, 30-day retreat, etc. Ganoon na talaga
ang Marriage, Espiritu Santo, All-loving God
etc., pero di pa lang nabubuksan ang ating mga
mata. Ika nga, pikit tayong nabubuhay. O bulag sa
nandito o nandyan ng katotohanan. Tulad ng mga
alagad mababago ang puso kung mababago ang
pananaw. Ayon kay Mike Murdock, “Everything you
need is already in your life, merely awaiting
your recognition of it. Anything unrecognized
remains uncelebrated by you. Anything you refuse
to celebrate eventually exits your life. Don’t
miss that chance./////
NAKIKINIG AT NAGMAMASID PALA. Nasaling ang puso
ko sa ginawa kong powerpoint summary ng missions.
Naiyak ako sa sarili kong gawa nang mapanood ko
ito nang buo kasama ang mga Lay Ministers.
Nabatid ko na ang aking pinapanood ay mga alaala
na lamang, larawan ng lumipas.. di na mauulit.
Natanto ko na ang mga taong kapiling ko sa misyon
ay magiging “noon,” at marahil ay di na
makakasama muli. Kasama na roon ang mga ilog,
dagat, manok, halaman, sariwang hangin, walang
kuryente atbp. Hindi ako makapagsalita, kaya’t
lumabas muna ako para tipunin ang sarili./////
Marami sa mga pamayanan na naghandog ng
palatuntunan at piging makatapos ang misa ay
nagpahayag ng pagkilala sa inyong abang lingkod.
Pakiramdam ko talaga pinaka-pogi at pinaka-
mahusay na akong misyonero sa mga sinambit nila!!
(hahahah) Pero isa ang napatunayan ko, nakikinig
sila sa homiliya! Inulit nila ang ilan sa mga
nakasaling sa kanila. Hindi lang yun, nagmamasid
din sila ng kilos, salita, pakikitungo
(cf www.mspguyana.zoomshare.com/blog)/////
PINOY POWER. Pag-alis ko sa Northwest,
nanatili ako sa Georgetown para makapapag-paalam
din sa mga kaibigan at sa Obispo. Naghanda rin ng
tanghalian ang mga Kabataan. Pero napakaraming
inihanda ng mga Pinoy para sa Despedida sa bahay
nila Joel-Arlene. Naulit pa muli ang Despedida
kasi hinintay ko pa si kabayang Rene na magsasama
sa akin sa Suriname (a.k.a. Dutch Guyana).
Talagang may Pilipinas sa Guyana: karaoke,
inuman, madjong, kainan, kantiyawan, sayawan.,
higit sa lahat DAMAYAN. Kapag merong may sakit,
kailangan ng matutuluyan o kontak, text o tawag
lang, parang magkakapatid. Nagtulungan din kami
para sa mga Pinoy na napagsarhan ng kumpanya, at
inipit ang passports nila. Maayos na sila ngayon
sa tulong din ng Embahada sa Brazil. Sa
kasalukuyan, nandito ako sa Suriname. Nagmisa ako
sa mga Pilipino na nagtatatrabaho sa Caterpillar
at sa Fishing Company sa bahay ng isang Pinoy na
Duktor. Ayun kay Dr. Abulos, sa 37 taon nila
dito, ito ang kauna-unahang misa ng mga Pinoy sa
Suriname(LIMASAWA pa ang dating!) Bahagi pa tayo
ng kasaysayan, o di ba? /////3March2008
Posted 07:41
|
11 comments
|
^_^
Hello FR. Edwin!! very inspiring!! keep
inspiring more people through your blog po. TO
GOD BE THE GLORY!! tc.^_^
|
You are lucky.. (di Manzano, huh!)
In writing, especially with multiple audiences
(differ in age, sex and nationality, different
cultures or languages, we tend to become more
careful to become effective and affective. To
capture audience and the captured audience to
echo what they read, is no easy task.
You are lucky and blessed because you were given
the opportunity to see the other side of the
world and their way of life - and you have
passed the "test' of the mission with flying
colors - tumibay ang skin (remember the skin
allergy?) tumibay ang sikmura (the food
poisoning? in the Northern part of Luzon),
tumapang ang apog (English accent na kayo ngayon
at very good coomunicator).
"......Sa katunayan ang pagkapari, simbahan at
Diyos ay ganito na noon pa subalit kinailangan
ng misyon para mabago ang aking pananaw" -
|
Maraming Kapalit...Pagbitaw at Pagkabit...Mas
Mabuting Pananaw.
Pag-alis at Pagdating....May dinatnan at Muling
Iiwan...
In anything we do, we have to put down something
down to keep a better thing up! We usually deny
ourselves of better things for our love to
others. Because in reality, in loving we give out
rather than take back. The inner happiness is
fulfilling. The sacrifices give us
joy. "Matamis ang ngiti ni Ama at ni Ina sa
tuwing aakyat sa entablado upang magsabit ng
medalya kay Kuya; kahit luma at kupas na ang
pantalon ni ama at pudpod na ang bakya ni Ina
todo ngiti pa rin sila!" Even the students who
garnered awards and recognitions have chosen to
stay at home and study rather than play and
enjoy. He likewise exchanges his personal joy to
a greater happiness for his parents.
In denying yourself of "heaven" on earth, those
that gives you ultimate joy and satisfactions-
temporal or permanent- you've realized after
three years in your mission, the inner joy and
peace - because you've seen your work through
the presentation which you first intent to remind
the people of their spiritual growth, or simply
the progress of your work. In the end, it was
also you who realized that you are a greater part
of their spiritual growth. It came to your senses
that that was the life you had and you were
hailed by the people you served; the people
learned to love you and recognized you as
their "true priest" after all. You are a winner
because you won their hearts! And they made a
difference in you life too.
Start...Middle...End
When you left for the three-year mission for
Guyana, we witnessed and felt the sadness in your
heart for the people you'll leave behind. You
cried too. Perhaps with some apprehensions of
what lies ahead in that far place on earth - is
there life there? You, the mission and your
people in Guyana! And your people in the
Philippines! Through the blog, we both grew up
as better individuals in our own perspectives. We
learned the different ways of taking care of the
priest in the Filipino way and our priest serving
the people of Guyana. The services rendered and
the respects bestowed upon you by Filipinos are
those of highest degree because of cultural
differences. You will appreciate the labandera,
kusinera and those altar boys who sweep the
church floors and keep the holy place holy. You
will appreciate the crunchy sky flakes now and
the good fruits we have. You will tolerate an
hour brown out when typhoon hits the archipelago;
you will be more patient when the jeep waits for
more passengers. (Idioms? Mas matibay pa kayo sa
bagyo! loob at labas. Sabi nga ni tatang iragasa
man maghapon si Laki sa tumana ang nahahapo ay
ang nagsingkaw).
Now that the mission has ended, you begin to
emerge as a new person/new priest. For everything
you have left behind or exchanged, you’ll bring
home sumptuous experiences, remarkable changes,
better, stronger person in you! Makulay na
daigdig ni EdBe! Just like gold that glitters
after the frictions and polishing, you are worth
a million mission now. You can battle any life
and anything for that matter.
As witnessed, write ups in the blog and the
pictures truly speak for itself.
|
pamamaalam.
nakakalungkot na pamamaalam.Parang kaylan lang
ngayun ay tapos napala. Im sure mamimiss ka ng
madami dahil nabigyan mo sila ng magandang
alaala.God bless and Mabuhay!!!
|
3 years na ang nakalipas. Parang kailan lang. Isama mo na rin
ako sa mga nagpapasalamat sa iyo. You have touched me as well
with your blog and inspirations as you have touched the people in
the missions. Peace be with you. Kita kita sa Pinas!
|
napakagandang blog father. Ganyan talaga ang mga
pinoy, kahit saan man magpunta anjan pa rin ang
pagtutulungan, etc.
Talaga din namang nakakalungkot at mamimiss mo ang
mga taong nakasama mo at mga ginagawa niyo ng
ilang taon jan sa Gayuna... Iintayin ka po namin
sa iyong pagbabalik sa iyong bayang sinilangan
-----parish youth ministry (3kings) --------
|
STORY TO BE TOLD
I am reading thru your blogs and I am truly
moved by the your own raw humanity as a priest
and the nobility of your human spirit. I just
have this sense of gratitude stirred up within
me for having known such a soul who
still believes in idealism and constancy of
truth when most of the rest of the world would
have embraced otherwise.
It brings so much hope to learn of one's courage
of taking on the task even with his doubts and
imperfections.
Very few take the road less traveled and their
stories need to be told, if not how are we to
pass on the Gospel, our unique encounter with
Jesus Christ and His works just like what the
apostles did.I think every true followers of
Christ has this solemn duty to spread this
gospel of LOVE as I would like to call it.
|
Pamamaalam
Hi.Fr.Edwin.masaya malungkot ang magpaalam.pero ang
natutunan sa buhay ay di malilimot.yan ang isang bagay na
ibinigay sa iyo.kaming mga kasal or nagpakasal sa isang tao na
di namin kakilala.ganyan din nararamdaman tulad mo.maraming
hinahanap pa sa pag alis mo diyan.maraming malulungkot na
kababayan mo.dahil ikaw din ang naging daan nila. sa konting
panahon na ipinamalagi mo diyan.mga tao na
sumaya.atnapasaya sa konting panahon.mga naiwan .na andiyan
parin ang mga alala mo. na di malilimot. ganyan talaga ang
buhay may iiwanan.at may babalikan.na naghihintay muli ang
panibagong pakikibaka.mabuhay ka.sa mga mission mo na
walaang kakupaskupas. palaging Planchado .pag
iniwan.sigurado ako lahat ng iniwan mo don. lahat ng alala mo.
nakatatak sa kanila yan.mabuhay ka. at good luck sa
panibagong. trabaho nadarating sa iyo.
|
mabuhay ka!
hello! father..nabasa ko ung article tungkol sa
iyo sa TrueFriend new mag here in HK by Tony
Bartolome..sa title pa lang natouch na
ako..touch ako sa mga sharing mo..mabuhay ka! i
hope someday to hear homily from you
|
wala na bang kasunod !!!!????!!!!
|
deeply in your heart........
maswerte po kayo at namet po nyo ang mga tao na
ganon, na sa aking pananaw ay parang isang
virgin island, so lucky po kayo at you served
them with your wholehearted masarap po ang
feeling na kayo ang nagsisilbi kaysa kyo ang
tinuturuan/tinutulungan di po ba, ika nga po
many are chosen but few are "tumugon" ...ganon
po ba if im not mistaken added pa po don ,you
touch and see the real nature in front of
you...kya po feel ko po na tlagang mahirap
iwanan ang mga ganoong tao at ganoong lugar di
po ba, lalo po sa katulad nyo na tlagang
paglilingkod lang po sa kapwa...at sa ating
panginoong dios...one of a kind nga po kyo
mghomily....MY D DEAR LORD BLES YOU GOOD HEALTH
AND LONG LIFE ..para po marami pa kayong
mapgsilbihan at matulungan lalo na po sa mga
spritual na bagay....GOD BLESS PO
|
Post a Comment:
|
|
|
|
|