|
EdbE: doing a Guyana in Cabiao! Anong balita?
|
|
Sun, 11 Nov 2007
|
62. MISYON PATOK, TOPAK, POTAK, TAPOK
PATOK: “Kumatok ka at ikaw ay bubuksan…” Sa
misyon, magbukas ka at maraming kakatok…
Pagbubuksan mo ba? Nalalapit na ang pagtatapos ng
yugtong ito ng ating paglalakbay. Malinaw sa akin
na hindi lang ako ang nag-misyon kasi sinamahan
n’yo naman ako sa tatlong taon ko sa Guyana.
Biruin n’yo yun, nakatagal ako (ay, sila pala!).
Patok ang misyon kasi nabulabog muli ang aking
idealismo. Habang tumatagal ka sa anumang
piniling kalalagyan, magkakaroon ka na doon ng
kasanayan. Sanay at nahirati ka na sa mga
nakagawian at ayaw mo na minsan ng pagbabago.
Parang ang lahat ay maayos na, kontrolado,
plantsado. ‘Ika nga, mayroon ka ng kumot-
pangkaligtasan. Gusto mo na lang manatili sa
iyong “kubong-ligtas.” Aalisin ang kumot at
papalitan ang kubo ng misyon, kaya’t
kakailanganin mo talaga yung tunay na
Tagapagligtas. At sa totoo lang, literal na wala
kang kontrol at plantsa dito (wala ngang kuryente
eh!) Madarama mo muli na Siya ang may kontrol at
nagpa-plantsa na maraming bagay. Di ikaw. Yun ang
patok! /////
TOPAK: Di naman talaga kailangang sira ang ulo mo
para maging misyonero. Konti lang. Kasi nga pwede
namang hindi, bakit ba naisipan ko ito? Tatlong
taon na yang tanong na yan sa akin ng marami, May
sagot na ba ako? Meron na. Pwede sigurong
sabihin, tinopak ako. Marahil kailangang merong
dapat isuko, di lang sa mga nakasanayan, kundi
pati na rin ang angking karunungan para magbigay
daan sa “katopakan” ng misyon. Kasi nga wala ka
namang kita (pero marami kang makikita sa sarili,
pagkapari, simbahan at Diyos); malayo sa mga
mahal sa buhay (pero mas dama mong mahal ka);
mahirap (pero masaya). Kung kalokohan ang misyon,
may kinalolokohan talaga ang mga misyonero!
Sadyang di kayang ipaliwanag nang lubos kung ano
nga ba ang narito, pero saksi akong nagpapatunay
na maganda at maligaya sa misyon. Kaiba talaga!
At maiiba ka rin depende sa pagbubukas mo sa mga
kumakatok. (Wag lang ikaw ang kumatok tulad sa
makina, ha?!) /////
POTAK (putak): Hindi ito tungkol sa mga manok na
alaga ko pero pwede ring isali sila. Pagkatapos
nilang mangitlog, abot ang putak nila. Maiingay
sila, na para bagang ipinababatid sa lahat na
nangitlog na sila. Ang misyon ay hindi na isang
salita na lumulutang sa alapaap ngayon. Hindi na
ito isang balangkas lamang. Pero mananatili itong
salita/putak (o “kalembang na hungkag”) kung
hindi ito magsasa katawang-tao. Nagkataon, isa
ako sa di karapat-dapat na maging misyonero,
Dapat tumuloy ang misyon na pumutak para mabatid
ito ng madla. Sana naman di lang itlog ang dala
ko pauwi. Nawa di lang ingay, sana. Ang blogs ang
nakasulat na pagputak sa mga nangyayari sa
misyon. Sa katunayan isa rin itong paraan para
lagi kong maala-ala ang salamangka ng misyon.
Alam kong mahikli ang memorya ng tao. Umaaamin na
rin ako sa pagiging malilimutin (di pa naman
ulyanin) /////
TAPOK: Mas matindi ang dagok kesa sa tapok. Pwede
kang malugmok sa dagok, sa tapok ulo lang ang
tama o batok kaya. Ang dami kong tapok na inabot
sa misyon. Mga panggising na mga paala-ala.
Magbibigay ako ng tatlo. Una, payapa ang
pakiramdam pag alam mo na ang Diyos ang bahala.
Yung bang sagot ka Niya. Na di mo naman talaga
alam lahat ang sagot. Pangalawa, sa parokya na
may 10,000 mananampalataya kasama ang pari, ang
tatlong magagawa ng pari na di magagawa ng 9,999
na mga katoliko sa parokya ay magmisa, magpa-
kumpisal, magpahid ng santo oleo. Hindi dapat
ipagkait ang panahon sa mga ito kasi ikaw lang
ang makakagawa noon. Pangatlo, malayo na ang
naabot at aabutin pa ng pananampalatayang Pinoy.
Nakakaaliw na isipin na dala-dala natin kahit
saan tayo pumunta ang ating pananampalataya.
Ipinagmamalaki kong lagi kung paano tayo sumamba
at magpahalaga sa Diyos. At talagang epektib tayo
kasi apektib tayo (effective ‘coz
affective). /////
Kahit ang mga pari at obispo pati mga
parokyano ay nagugustuhan ang ating personal
approach. Natutuwa sila na ang Pilipinong
misyonero ay mahusay pumutak (magpahayag); na may
konti o malaking topak (mapagbiro); handang
manapok o tumanggap nito (may tapang); at higit
sa lahat… patok siya sa takilya (artistahin
baga!) /////
Huwag ka nang umangal o kumontra! Kasama
yan sa tapang namin…as in tapang ng apog!
Mabuhay! /////
11Nov2007
Posted 16:32
|
15 comments
|
hindi lamang pala mga nars at caregiver ng pinas
ang patok sa mga banyaga, pati na rin pala mga
pari ay kinikilala na rin sa pagiging effective,
affective at caring. mabuhay ang pinoy!!!
|
padre salamat sa blogs nyo talagang marami kaming
aral na mpulot sa inyo esp. buhay sa mission, at
ang buhay misionario...any way i was touch sa
inyo,talaga minsan kahit ako sa buhay ko minsan
marami den katanongan na mahirap den sagutin.pero
pag pina ubaya mo ang lahat kay lord he will give
the answer in a right time...isang bagay talga na
natotonan ko po sa inyo habang palutoy ang inyong
journey as a missionario dyan ay simple life,sabi
nyo nga ang lahat ay maayos na.kontorolado, at
plantsado pa...dahil lahat nman na bagay pag
nasanayan mo na madali na gawin , lalo pag ang
dios lng ang taging mong sandalan, at kumot
pangkaligtasan.ok mabuhay po kau.god bless.
|
wow
patok na patok! hehehe. nice blog kuyang,
nakakablog ng puso, isipan, pananampalataya at
pagtatataya para sa gawain sa Panginoon
|
oks yan!
fader oks na oks lahat ang sinabi mo. basta ang
masasabi ko lang sana pagdating mo ay wala kang
PUTOK! joke!! ha ha ha. in fairness, iba ka
talaga grabeeee!!! ingat lang palagi...more
blessings ang katapat ng lahat ng
sakripisyo.salamat din at di din kayo nakakalimot
kahit malayo kayo.
|
Father, thanks sa inyo pong blog.. Naaaliw akong
basahin ang mga ito ng paulit-ulit dahil may
natutunan po talaga akong aral..from your
experience, from the thoughts that you expressed
and shared may natutunan po akong mga bagay na
magagamit ko as lay mission partner ng MSP at
bilang isang servant.. Mabuhay po ang mga
Misyonaryong Pilipino! Patok po talaga kayo!!!^_^
|
tok,tok,tok sa tawag ng Misyon sa inyo ay
kumatok...sa Pinas man,Guyana at saan mang parte
ng mundo,mga tunay na Misyonero kahit kung
minsan may topak ,di rin alintana kahit matapok
sa hamon ng Misyon siguradong oks na oks!!!
SOP>>> sobrang okey padre...Mabuhay kayo mga
paring Misyonero tunay ngang kayo ay patok na
patok!!!
|
PAKTO
PAKTO ... you forgot about this ... naPAKTO ka
na ng Diocese of Cabanatuan ... balik ka na uli
sa kanya ...
|
nice!
napakagandang mga blog, mga expirience nyo jan
padre sa Gayuna! San kahit magbalik diocese ulit
kayo ay ganyan din ang gawin nyo at mag tumindi
pang lalo! Ipagpatuloy niyo pa po ang mga
magagandang pagsulat ng mga blogs kahit na
andito na kayo sa diocese, nagenjoy po kami ng
sobra sa pagbasa ng iyong blogs... Advance
welcome back po sainyo sa ating diocese of
cabanatuan!
from,
three kings parish youth ministry and choir!
|
salamat at ginawa mo kaming bahagi ng tatlong taon mo sa
misyon. sana ipagpatuloy mo ang blog mo kahit na nasa
Pilipinas ka na para tuluyan ka naming samahan sa iyong
paglakad patungo sa Palasyo ng Ama. Thanks insan sa mga
inspiring reflections mo. mabuhay ka. cheers ulit. masuwerte
ang mga manok mo. Pang-itog sila. Dito mapupulutan pa sila.
|
Everytime I read ur blog..
dami natutunan. Lahat interesting, always may
lesson learned in every journal. Minsan patawa
pa. Inggit ako sa mga experiences mo: wether
counting eggs or`seeing those beautiful sites in
Brazil. Sana marami nagbabasa blog mo to keep
teh faith strong. Mas babasahin ko naman blog mo
kesa ke Tom Clancy or Robert Ludlum hanu!
|
Greeting
Hi.talagang patok lahat ng blogs mo.maraming natutu.tulad
ko.maraming natuwa dahil nakasama ka kahit malayo ka.sa 3
taon na nasa minsion ka kasama mo pin kami na.san kaman
mapunta kama mo parin kami.sa lungkot o saya.sa hirap o
pagod ng katawan.dyn ka parin.maraming malulungkot pag
nawala na ito. parang nobela na sinusubaybayan.sana patuloy
parin ito.patok...na patok talaga.san man mapunta ibang klase
talaga.planchado talaga.katok.kumakatok ako palagi sa
kanya.siya ang gabay ko san man ako naroroon.topak.mayron
ako niyan.di mawawala yan kakambal ng buhay yan.sa mga
blogs marai ang natutu nag injoy.experiences mo na di mo
malilimot.habang buhay mga alala.na walang ka
kupaskupas.maganda tanawin sa Brazil.mga manok kanbing
bangka butas.lahat ng iyan.dimo malilimot.talagang wala na
akong masasabi sa iyo.nasa iyo ng lahat bumagyo man at
topakin diyan ka parin. thanks sa Blogs.diko malilimot ito.kahit
huli man humahabol parin.Thanks. Mabuhay ka. ingat.
Miss a Lot.
|
with pressure comes good performance
Yes, you call it topak, but the "topak" resulted
to impressive affective outcome to you, to your
readers and to those whom you stayed with for
the past years in the mission. Makabuluhan para
sa sarili, sa nakakasalamuha at sa mga mambabasa
ng blog, mga masugit na taga subaybay. Walang
kita pero ayon na rin sa inyo maraming di kayang
isalin sa kataga, marahil hindi rin ito
matutumbasan ng salapi! The effectiveness of
your personal approach in every homily
you “putak” has long been known to your
listeners and readers as well, so no wonder the
Guyanese will surely miss you when you come back
home! Armed with remarkable experiences from the
mission, you can verily recite more eloquently
now – the effectively and affectively combined!
Dapat ang itlog ay mapisa at maging isang inahin
at mangitlog muli! (Layo!) Reco: with limited
access to the net of most people back home, you
may consider compiling and binding the blogs for
them. Maipamahagi ang biyayang nakamit at
ipinagkaloob sa pamamagitan ng paglalathala
nito. Dependency to God and realization of that
dependency shows clearly your ultimate FAITH in
Him; and by fulfilling His will you define
yourself as His TRUE servant – totoong pari na
ng Guyana ! To perform the task given to you and
to exercise the power because of your task, is
an undoubtedly marvelous responsibility – and
you have carried on! You are indeed God’s chosen
servant! Filipinos are subjected to all kinds of
hardships in life and it’s the unique faith that
keeps Filipinos going! The Philippines is the
4th largest Catholic nation in the world.
Someday, it maybe the first! through priests
like you!
|
Not haughty, Not naughty...But bounty!
I don't agree with your statement "Nagkataon,
isa ako sa di karapat-dapat na maging
misyonero, because you have rated yourself
unrealistically. First, we do what we were
asked to do. Second, we do the task in
accordance with HIS will in the highest
standard. Sa totoo lang po hindi naman kayo
tatagal ng tatlong taon kung hindi kayo karapat-
dapat na maging misyonero, at hindi ito
magaganap kung hindi kayo ang para sa ganyan
tungkulin. Sa aking pananaw, iyan ay itinakda
at kayo ang karapat dapat sa tungkulin sa
panahong KANYANG pinili. Malaki ang ginampanan
ninyong tungkulin batay na rin sa mga nakatala
sa blog, mga litrato na magpapatunay ng iyong
mga sakripisyo at tagumpay sa kabila ng
kasalatan sa pangunahing pamamaraan ng
transportasyon, komunikasyon o mga bagay na may
kinalaman sa maayos at mahusay na pag
sasakatuparan ng iyong tinanggap na tungkulin.
Ayon na rin sa iyong pahayag, mahirap mamangka
ng dalawang oras, masakit sa katawan; tapos ay
apat ang dadatnan ninyo para dumalo sa misa -
kaya iyan ang misyon place subalit ng lumaon ay
naganyak na rin ang iba; walang silya o pew o
maayos na altar ang simbahan o walang simbahan
kaya't minsan sa ilalim na lang ng puno
ginaganap ang church activities; walang
kagamitan para matugunan ang pinakapangunahing
pangangailangan - pambili ng gasolina - dahil
kinailangan nyo pang mangilak ng suporta gayong
hiram kayo, subali't kayo pa rin mismo ang
naghahanap ng para sa misyon, dual role. O
marahil sa iyong mga naranasan, sumobra na ng
taas ang inyong pamantayan para sa susunod sa
inyong mga yapak sa misyon kaya't sa inyong
tingin hindi kayo karapat dapat. Sometimes we
set the standard but when we met the same
standard, we tend to set it a bit higher. We
are humans with insatiable wants for success; we
tend to look for more challenging roles, for
more difficult exams, or for more complicated
solutions; maybe it has become another "better
you" with a much higher rank for a more
satisfying results. You look at the work in the
mission as a habit now - a hard habit to
break..... Tunay nga pong maipagmamalaki ang
pamamaraan ng Pinoy sa pag samba. Ang pag
gunita natin sa panahon ng pagsilang ng Ating
Panginoon ay kamangha-mangha, masaya, puno ng
pagpupuri! ..... Mahusay kayong tagapagsalita,
taga bahagi ng Salita at taga hatid ng Aral Nya.
Mahusay at makabuluhan..tumitimo sa puso at
isip... patunay dyan ang isang paring dati
ninyong estudyante sa seminaryo ay narinig
naming mag sermon at nagustuhan ng mga iba pang
nakinig at ang comment ng isang may edad ng
babae, "Dangan kasi'y estudyante yan ni Fr Beley
kaya mahusay din!". Oh di ba? Samang sampu.
|
thanks
fr edwin,
in the father moderator's last update, he
mentioned that you are already back to your home
diocese. just want to say congratulations to the
success of your three-year mission and to say
thank you so much for being and working with the
msp for some time. how i admire your generosity.
belated happy birthday. rest assured you will
be remembered in my mass tomorrow.
again, thank you so much for being an msp for
some time. we always treat our associates as real
msp members. hope you'll alway be at home with us.
God bless.
aqui, msp
|
Kumusta po Father Edwin
Natupad na ang itinakda ng Dios para sayo.. Am
so happy for you.. Alam ko your heart is
overflowing with love for our Lord. Continue to
inspire millions of thirsty and tired souls.
|
Post a Comment:
|
|
|
|
|